kahit sobrang lakas ng ulan dahil bumabagyo, tumuloy pa rin kami nina noel at jeff manood ng "a love story." excited kasi ako mapanood ang movie para matigil na rin ang paghula kung sino talaga ang querida!
mali ang hula ko at di ko nagustuhan ang movie. consolation na lang siguro na napaiyak ako sa isang scene sa movie.
bakit di ko gusto ang movie? sa tingin ko mas maaappreciate ko ang story kung linear na lang ang presentation. nakakalito ang flashback. sabi nga ni noel, maganda sana ang material, kinulang lang sa execution. imbes na manood ako para magrelax at siguro makarelate sa movie, ang nangyari tuloy nastress ako sa tagal ng revelation. nabore ako sa first 20 minutes ng movie. for me, mas maganda sana kung nag-umpisa ang movie nong nameet ni aga si maricel.
hindi ko rin nagustuhan ang treatment ng topic. siguro sa ilan, natural na ang mga illicit affairs. pero naniniwala ako na ang karamihan hindi pa rin carry ito. iilan lang ang asawang handang harapin ang querida at magtatanong ng, "tell me what your life's like?" at iilan lang din ang queridang handang magkwento ng buhay niya sa tunay na asawa.
ewan pero mataas kasi ang expectations ko sa movie dahil star cinema siya. sad lang at hindi nameet ng movie ang mga expectations ko. well, kanya-kanya naman yan. may mga friends naman ako na nagustuhan ang movie. bahala na kayo.