Tuesday, April 17, 2007

untitled circa 2000

i went through my old stuff last night to look for my transcript. unfortunately, i did not find it. instead, i found quite a lot of things which reminded me of the past. one of the things i found was this poem i wrote some five or six years ago (i think).

untitled (circa 2000)

kung sa tingin mo nasasaktan ka
pano pa kaya ako
ilang ulit mo bang ipinadama
na wala ng pag-asa

lumalalim na ang gabi
bukas pa ang mga mata
pinapagod ang mga paa
sa paghihintay sa 'yo

darating ka ba
tinig mo ba'y maririnig
haplos mo ba'y madarama
o dili kaya hapdi at sakit

habang sinasabayan ang pag-inog ng mundo
habang nakikita kong nag-aagaw ang buwan at araw
bumibilis ang pintig ng puso
hindi mawari kung sa pagsikat ba ng araw
ay ikaw pa rin ang masisilayan

kung sa tingin mo nasasaktan ka
pano pa kaya ako

No comments: